Bakit nga kaya ganon?
May mga bagay na hindi naman dapat pinapansin pero nagpupumilit pumasok sa isipan.
Hindi naman kailangang bigyang kahulugan pero di mo namamalayang bigyan ng importansya.
Bakit nga ba?
Kailan nagsimula?
Wala naman talagang kwenta itong isinusulat ko eh. Mga hinaing na pwede namang pabayaan nalang. Kaso hindi eh. Pano ko ba ie-explain? How can you tell if your friendship’s falling apart? Ilang signs ang makikita mo? Can you still save it? Or is it just a ‘sign of growing up?’ Pero kailangan din bang isakripisyo ang friendship for the sake of ‘growing up’? Hindi ba pwedeng as you mature, so is your friendship? I mean, siguro hindi na talaga nakakapagusap, hindi makagala dahil sa trabaho — kung magkikita man saglit lang.
Pero teka.
Mukhang may mali.
Bakit parang ikaw lang naman ang nakakapansin ng lahat ng yan? Hindi nirereplayan messages mo. At kung magkaka-text man may isang bagay na ipapamukha sayo. Ah ewan. Maybe I’m just thinking too much. Siguro ganun lang talaga yun. Minsan magtatampo ka kase akala mo isinasawalang bahala nalang yung mga bagay na kung tutuusin eh wala namang kwenta. Siguro nga kase may kanya-kanya na kayong buhay (dati pa naman ‘di ba?) I mean, buhay pag-ibig? Pero siguro mas nakakatampo itong pangyayaring ito kung hanggang ngayon wala si love of my life. Mahirap naman kaseng magsabi na umiiwas sila sayo gayong pag nagkikita naman parang walang mali. Pero bakit nga talaga ganto ang nangyayare? Hindi nga talaga ito maiiwasan. Bahala na. Hindi ko dapat ito ikatampo.
Kung ididistansya ko ba sarili ko may mangyayari? Wala naman di ba? Mas maigi siguro kung sarilinin ko nalang ang problema ko. I’m not gonna share it to them from now on. Kahit pagrarant sa work saken nalang yun. At kung may irereklamo man ako tungkol sa kahit ano regarding sa trabaho akin nalang yun. Iiwas nalang din ako. Kung may itatanong sila dun lang ako magsasalita. At kung masyado man akong nagiging sensitibo dahil dito at binibigyang kabuluhan ang mga bagay na di dapat problema ko na yun.
O epekto lamang to ng Autumn blues?
Bahala na.
– end of entry –